Friday, May 8, 2009

the "asa" fairytaler

wala naman palang fairytales..akala ko kasi dati,may ganon talaga, na akala ko,pwede mangyari sa totoong buhay..na pwedeng mangyari sa buhay ko..

Hindi pala..lahat ng bagay na iniisip ko, kalokohan, walang katotohanan, at walang patutunguhan..hanggang pangarap nalang..kung baga, nakakulong sa sarili kong fairytale box, na kahit kailan 'di mabubuksan..

'di ko mahanap ang susi, isang selyadong lalagyan kung saan sa pangarap mu lang mabubuksan...kalokohan talaga na inuubos ko ang oras ko sa isang lalagyan na puno ng kalokohan para lang mabigo,tama!paulit-ulit lang akong mabibigo at masasaktan..

'di ko alam na pati sarili kong puso, isip at kaluluwa kinulong ko doon.. Grabe!ang tanga ko talaga!sana,noon palang,na-realize ko na ang mga bagay na 'to,kasi ngayon kahit na alam ko na gantio nangyayari.. Alam ko sa sarili ko na patuloy kong ikukuklong ang sarili ko sa loob ng kahong yon kahit hawak ko na ang lagare at susi..

wala akong balak na pakalawalan ang mga bagay at alaala na pinakaingat-ingatan ko ng maraming taon.. kahit na bunga man ito ng katangahan at pagsasayang ng oras..

ito ang aking "fairytale box lng kalokohan.." :/